Yes, totoo. Kahit gaano pa ka-high-tech ang aircon mo, posible pa ring pamahayan ng daga — lalo na kung bihira itong gamitin, hindi nalilinis ng maayos, o may mga butas sa paligid ng unit.
At hindi lang ito nakakainis… delikado rin ito para sa kalusugan at sa unit mo mismo.
Bakit Gustong-Gusto ng Daga ang Aircon?
1. Mainit-init sa Loob ng Unit
Kapag naka-off ang aircon, lalo na ang window type o outdoor unit ng split type, nagsisilbing pugad ang loob dahil cozy at tago.
2. Tahimik at Madilim
Perfect ang environment para sa daga — walang istorbo, walang ilaw, at safe sila sa predators.
3. May Butas o Access Points
Hindi mo man napapansin, may maliliit na gaps o butas sa likod ng aircon o ductwork kung saan sila nakakapasok.
Anong Delikado Kung Pamahayan ng Daga?
- Ngatngatin ang wire ➜ short circuit o sunog
 - Barado ang drainage ➜ water leak at fungus build-up
 - Mabaho ang hangin ➜ galing sa ihi o bangkay ng daga
 - Mataas ang konsumo sa kuryente ➜ hirap huminga ang aircon sa dami ng bara
 - Sakit sa pamilya ➜ dala ng dumi o bacteria ng rodents
 
Paano Mo Maiiwasan?
1. Inspect Regularly
Tingnan ang paligid ng aircon lalo na sa likod. May ipot? Kaluskos? Check agad.
2. Takpan ang Lahat ng Butas
Seal entry points gamit ang foam sealant o mesh screen.
3. Gumamit ng Rat Traps o Repellents
Especially sa mga lugar na malapit sa outdoor unit.
4. Schedule Regular Maintenance
Magpa-linis ng aircon every 3-4 months para siguradong walang naiiwang dumi or pugad sa loob.
May Damage Na? Don’t Panic, Coolvid Got You.
Kung napinsala na ang wiring o components ng unit mo, huwag nang ipilit.
Magpa-check sa technician at pumunta na sa Coolvid Aircondition and Refrigeration Parts Trading para sa:
- Replacement wires
 - Fan motors
 - Drain pans
 - Coil cleaners
 - And more!
 
Trusted ng maraming techs sa Pilipinas, Coolvid ang ka-partner mo sa maintenance at repair.
Tip
Aircon mo, parang tahanan din. Kung hindi nalilinis at pinababayaan, iba ang titira.
Kaya alagaan ito gaya ng bahay mo—lilinis ka na, makakatipid ka pa sa repair costs.
Mag pa-schedule na sa Coolvid Aircondition and Refrigeration Parts Trading!

	








