Table of Contents
- Magkano Magpakabit ng Aircon sa Pinas? Installation Cost Guide
- Magkano Magpakabit ng Aircon sa Pinas?
- Split Type Aircon Installation Cost
- Bakit Minsan Free Installation Pero May Babayaran Pa Rin?
- Bakit Importante ang Copper Pipe sa Split Type Aircon?
- Sample Split Type Installation Scenario
- Window Type Aircon Installation Cost
- Kailan Mas Mahal ang Window Type Installation?
- Ano ang Dapat Kasama sa Aircon Installation?
- Mga Dapat Itanong Bago Bumili ng Unit
- Bakit Kailangan ng Site Survey?
- Installation Warranty: Huwag Kalimutan Itanong
- Bakit Importante ang Warranty ng Installation?
- Common Extra Charges sa Aircon Installation
- Common Mistake ng Buyers
- Tips Para Hindi Ma-Overcharge sa Aircon Installation
- Related Guide: Piliin Muna ang Tamang HP
- Related Guide: Bakit Hindi Lumalamig ang Aircon?
- Need Help Finding a Technician?
- FAQs: Magkano Magpakabit ng Aircon?
- Quick Summary: Magkano Magpakabit ng Aircon sa Pinas
- ⚠️Important Reminder
- 💡Pro Tip
Magkano Magpakabit ng Aircon sa Pinas? Installation Cost Guide
Kung nagtatanong ka kung magkano magpakabit ng aircon, hindi ka nag-iisa.
Maraming bumibili ng aircon ang nagfo-focus lang sa presyo ng unit, pero nakakalimutan na may installation cost pa pala. Dito madalas nagugulat ang buyer, lalo na kapag split type aircon ang bibilhin.
Ang aircon installation cost ay depende sa type ng aircon, HP, location ng indoor at outdoor unit, haba ng copper pipe, at kung kasama ba sa package ang installation materials.
Kaya bago ka bumili, importante na itanong mo muna kung ano ang kasama sa presyo ng unit at ano ang possible extra charges.
Sa blog na ito ay pag-uusapan natin kung magkano magpakabit ng aircon at ano-ano ang mga dapat tandaan!
Magkano Magpa-install ng Aircon sa Pinas?
Ang presyo ng aircon installation sa Pinas ay hindi pare-pareho.
May dealers na nag-o-offer ng free installation promo para sa split type aircon, pero kadalasan may limit lang ito, tulad ng first 10 feet na copper piping. Kapag lumagpas doon, may additional charge per foot na nasa around 350 pesos ang excess copper piping.
May ibang dealer/unit brand naman na hindi kasama ang copper pipe sa package, kaya mas mataas ang installation cost. Kaya malaking bagay kung malalaman mo agad bago bumili kung may kasamang copper tube, bracket, breaker, at basic materials ang unit o installation package.
Split Type Aircon Installation Cost
Mas mahal ang split type installation kumpara sa window type dahil mas maraming trabaho ang kailangan.
Sa split type aircon, kailangang i-mount ang indoor unit, i-install ang outdoor unit, maglagay ng copper pipe, drain hose, insulation, wiring, at siguraduhin na tama ang vacuuming at testing ng system.
Kung walang kasamang copper tube ang aircon package, ang installation cost for 1HP to 1.5HP split type aircon ay pwedeng magsimula around 7,500 pesos or higher, depende sa technician, materials, at location.
Pero kung ang brand o dealer ay may kasamang copper pipe or may free installation promo, pwedeng bumaba ang starting installation cost to around 3,500 pesos or similar range, depende pa rin sa inclusions at setup.
Bakit Minsan Free Installation Pero May Babayaran Pa Rin?
Maraming buyers ang nalilito dito.
Kapag sinabi ng dealer na “free installation,” hindi ibig sabihin automatic na wala ka nang babayaran kahit anong setup ng bahay mo.
Kadalasan, ang free installation ay may limit.
Halimbawa, may dealers na nag-o-offer ng free installation for the first 10 feet. May official dealer promo pages din na nagsasabing free installation is for participating models and first 10 feet only, at kailangan pa rin ng site survey para malaman ang actual cost.
Kapag lumagpas ang kailangan na copper pipe, drain hose, wiring, or bracket, may extra charge na.
Bakit Importante ang Copper Pipe sa Split Type Aircon?
Ang copper pipe ang nagko-connect sa indoor unit at outdoor unit ng split type aircon.
Dito dumadaan ang refrigerant na kailangan para magpalamig ang system.
Kapag mahaba ang distance ng indoor at outdoor unit, mas mahaba rin ang kailangan na copper pipe.
Dito pumapasok ang extra cost.
Sample Split Type Installation Scenario
Halimbawa bumili ka ng 1.5HP split type aircon.
Kung kasama sa promo ang first 10 feet copper pipe, tapos ang kailangan lang sa bahay mo ay 8 feet, possible na wala ka nang malaking additional charge aside from minor materials.
Pero kung kailangan mo ng 18 feet copper pipe, may excess ka na 8 feet.
Kung 350 pesos per foot ang excess, may additional ka na around 2,800 pesos for copper piping alone.
Hindi pa kasama dito ang possible extra cost kung kailangan ng special bracket, electrical line, breaker, masonry work, or mataas ang location ng outdoor unit.
Window Type Aircon Installation Cost
Mas simple ang window type aircon installation dahil isang buong unit lang ito.
Kadalasan, mas mura ang labor dahil hindi na kailangan ng copper piping between indoor and outdoor unit.
May published service providers na nagli-list ng window type installation around 1,500 pesos for 1.5HP or less, with additional charge per extra 0.5HP and possible bracket cost.
Pero sa actual setup, pwedeng tumaas ang presyo depende sa gagawin.
Kung may existing butas na sa pader or window frame, mas mura at mabilis ang installation.
Pero kung kailangan pang magbutas ng concrete wall, mag-welding ng bracket, gumawa ng frame, or mag-adjust ng electrical outlet, tataas ang gastos.
Kailan Mas Mahal ang Window Type Installation?
Mas mahal ang window type installation kapag hindi ready ang installation area.
Halimbawa, kung solid concrete ang wall at kailangan pang butasan, may dagdag na labor at tools.
Kung kailangan ng customized bracket or welding, may dagdag din.
Kung malayo ang outlet or kailangan ng dedicated breaker, hindi na ito simpleng kabit lang.
Kaya kahit window type ang aircon mo, huwag agad isipin na laging mura ang installation.
Depende pa rin sa actual setup ng bahay.
Ano ang Dapat Kasama sa Aircon Installation?
Bago ka pumayag sa installation, alamin muna kung ano ang included.
For split type aircon, usually dapat malinaw kung kasama ang indoor mounting, outdoor bracket, copper pipe, insulation, drain hose, wiring, breaker, vacuuming, testing, at labor.
For window type aircon, dapat malinaw kung kasama ang mounting, bracket, sealing, basic testing, at adjustment ng unit.
May mga service providers na malinaw din na hindi kasama ang masonry, electrical works, permits, dismantling of old unit, and other special works sa basic installation package.
Kaya lagi mong itanong kung ano ang included at excluded.
Mga Dapat Itanong Bago Bumili ng Unit
Kaya bago bumili, itanong mo ito:
- “May kasama na po bang copper pipe ang unit?”
- “Hanggang ilang feet po ang free installation?”
- “Magkano po per foot kapag lumagpas?”
- “Kasama na po ba breaker, bracket, drain hose, at wiring?”
Mas okay na malinaw ito bago ka magbayad kaysa magulat ka sa additional charges after delivery.
Bakit Kailangan ng Site Survey?
Ang site survey ay importante lalo na sa split type aircon.
Hindi kasi pare-pareho ang bahay.
May bahay na malapit lang ang outdoor unit sa indoor unit.
May bahay naman na kailangan pang ilayo ang outdoor unit dahil sa space, ventilation, or condo rules.
Sa site survey, makikita kung gaano kahaba ang copper pipe, saan ilalagay ang outdoor unit, kung kailangan ng bracket, at kung may electrical concerns.
Mas accurate ang quotation kapag may site survey kaysa hulaan lang sa chat.
Installation Warranty: Huwag Kalimutan Itanong
Isa sa pinaka importanteng tanong bago magpa-install ay ito:
“May warranty po ba ang installation?”
Hindi lang unit warranty ang importante.
Kailangan mo ring malaman kung may warranty ang labor, installation, leak issue, drainage problem, or backjob.
May service providers na nag-o-offer ng labor warranty, at may mga package na may warranty period depende sa installer or service provider. Halimbawa, may published installation service pages na naglalagay ng 90-day labor warranty or 1-year warranty depending on service type.
Mas safe kung malinaw ito bago magbayad.
Bakit Importante ang Warranty ng Installation?
Kahit magandang brand ang aircon mo, pwedeng magkaproblema kung mali ang installation.
Possible problems include water leak, refrigerant leak, weak cooling, vibration, or improper drainage.
Kung may installation warranty, mas may protection ka kapag may backjob.
Pero kung walang malinaw na warranty, mahirap habulin ang technician kapag fully paid na at hindi na bumalik.
Kaya bago magpa-install, humingi ng malinaw na agreement.
Kahit chat confirmation lang, malaking tulong na.
Common Extra Charges sa Aircon Installation
May mga extra charges na normal, pero dapat malinaw sa simula.
Possible extra charges include excess copper pipe, additional drain hose, extra wiring, breaker, bracket, wall drilling, welding, scaffolding, dismantling old unit, and relocation of outdoor unit.
Hindi masama ang extra charge kung justified.
Ang problema ay kapag hindi sinabi upfront.
Kaya lagi kang humingi ng breakdown bago mag-go.
Common Mistake ng Buyers
Ang pinaka common mistake ay pagbili muna ng aircon bago alamin ang installation requirements.
Minsan mura ang unit, pero mahal pala ang installation dahil walang kasamang copper pipe.
Minsan may free installation, pero limited lang pala sa 10 feet.
Minsan naman mura ang technician, pero kulang sa tools or hindi maayos ang procedure.
Kaya bago bumili, itanong muna ang complete installation inclusions.
Mas magandang malinaw lahat kaysa makatipid ka sa unit pero mapamahal sa kabit.
Tips Para Hindi Ma-Overcharge sa Aircon Installation
- Una, humingi ng quotation bago magpa-install.
- Mas maganda kung may breakdown ng labor, materials, excess pipe, bracket, electrical, at other charges.
- Pangalawa, magtanong kung may free installation promo at ano ang limit nito.
- Pangatlo, alamin kung kasama ang copper pipe.
- Pang-apat, itanong ang warranty ng installation.
- Panglima, huwag piliin ang pinakamura agad.
Mas importante ang maayos na installation kaysa sobrang murang labor.
Related Guide: Piliin Muna ang Tamang HP
Bago ka magpa-install, siguraduhin muna na tama ang HP ng aircon mo.
Kahit maayos ang installation, kung mali ang HP, mahihirapan pa rin palamigin ang room.
Basahin mo ito para hindi ka magkamali sa sizing:
Related Guide: Bakit Hindi Lumalamig ang Aircon?
Kung may existing aircon ka at iniisip mong magpa-install ng bago dahil hindi na lumalamig, baka repair or cleaning muna ang kailangan.
Hindi lahat ng hindi malamig ay kailangan palitan agad.
Basahin mo rin ito:
Need Help Finding a Technician?
Kung naghahanap ka ng trusted installer or technician, mas mabuting magtanong muna bago magpa-kabit.
Browse here:
FAQs: Magkano Magpakabit ng Aircon?
Magkano magpakabit ng split type aircon?
For 1HP to 1.5HP split type aircon, installation can start around 7,500 pesos if walang kasamang copper pipe or materials.
Kung may kasamang copper pipe or free installation promo from the dealer, pwedeng bumaba ang starting cost, pero depende pa rin sa inclusions.
Totoo ba ang free installation sa split type aircon?
Oo, pero kadalasan may conditions.
Usually limited ito sa participating models and first 10 feet of piping only.
Kapag lumagpas ang required copper pipe or may extra materials, may additional charge.
Magkano ang excess copper pipe per foot?
May service providers na naglalagay ng around 350 pesos per additional foot for excess copper pipe.
Pero depende pa rin ito sa dealer, brand, HP, material quality, at location.
Magkano magpakabit ng window type aircon?
Window type installation can start around 1,500 pesos for smaller units, based on published service rates.
Pero tataas ito kung kailangan ng wall opening, welding, bracket, electrical work, or additional materials.
Kasama ba ang copper pipe sa aircon kapag bumili?
Depende sa brand, dealer, at promo.
Kaya bago bumili, itanong agad kung kasama ang copper pipe at ilang feet ang covered.
Kailangan ba talaga ng professional installer?
Yes, especially for split type aircon.
Maling installation can cause leaks, weak cooling, poor drainage, and possible warranty issues.
Quick Summary: Magkano Magpakabit ng Aircon sa Pinas
Estimated Installation Cost (Summary)
- Window Type Aircon
- Basic installation: ₱500 – ₱2,500
- With drilling / bracket / welding: ₱2,500 – ₱6,000+
- Split Type Aircon (1.0HP – 1.5HP)
- Without copper pipe: starting around ₱7,500+
- With free installation promo (may copper): starting around ₱3,500+
- Additional Costs (Common)
- Excess copper pipe: ~₱350 per foot
- Bracket: ₱500 – ₱1,500
- Breaker / wiring: ₱1,000 – ₱3,000
- Wall drilling / concrete work: ₱500 – ₱2,000+
⚠️Important Reminder

Ang mga presyo na ito ay estimated lamang at pwedeng magbago depende sa:
- Brand ng aircon
- HP ng unit
- Location ng installation
- Materials na kailangan
- Dealer o technician na gagawa
Kaya mas mabuting magpa-quote muna bago magpa-install.
💡Pro Tip
Kung gusto mong makatipid:
- Piliin ang brand na may free installation promo + may kasamang copper pipe
- Pero siguraduhin pa rin kung ano ang coverage para maiwasan ang hidden charges
Conclusion
Ang tanong na magkano magpakabit ng aircon ay walang iisang sagot dahil depende ito sa unit type, HP, materials, at installation setup.
For split type aircon, malaking factor kung may kasama bang copper pipe ang brand or dealer package.
For window type aircon, mas mura usually ang basic installation, pero pwedeng tumaas kung kailangan ng butas, bracket, welding, or electrical work.
Ang pinaka importante ay magtanong bago bumili.
Alamin ang inclusions, excess charges, copper pipe limit, at warranty ng installation.
Mas mahal ang maling kabit kaysa tamang installation.










