Nag Error ang Aircon Pagkatapos Linisin? Mga Dahilan at Solusyon

Home » Aircon Troubleshooting » Nag Error ang Aircon Pagkatapos Linisin? Mga Dahilan at Solusyon

Nakakagulat talaga kapag kakalinis lang ng aircon tapos biglang may error code, humina ang lamig, o nagkaroon ng ibang problema. Maraming homeowners agad ang nag-aalala at iniisip na baka may maling nagawa during cleaning.

Pero sa totoo lang, hindi lahat ng lumalabas na issue pagkatapos ng cleaning ay dahil sa technician o sa proseso ng paglilinis. Madalas, may existing problem na pala talaga ang unit na ngayon lang nakita dahil nabuksan at na-check nang mas mabuti ang system.

Sa guide na ito, aalamin natin kung bakit minsan nagkaka-error ang aircon pagkatapos linisin, ano ang ibig sabihin ng micro leak, at paano malalaman kung normal lang ba ito o kailangan nang ipaayos agad.

Quick Summary

Nag error ang aircon pagkatapos linisin? Hindi laging ibig sabihin na may maling nagawa during cleaning dahil maraming hidden issues ang lumalabas lang kapag nabuksan at na-inspect ang unit. Sa post na ito, malalaman mo ang mga posibleng dahilan tulad ng micro leak, loose connections, sensor issues, at refrigerant problems. Matututunan mo rin kung paano maiiwasan ang maling diagnosis at kailan dapat magpa-leak test o magpa-check sa technician.

Table of Contents

Bakit Nagkakaroon ng Error Pagkatapos ng Cleaning?

Ito yung pinaka importanteng maintindihan ng maraming homeowners.

Kapag nililinis ang aircon, mas nae-expose ang internal components tulad ng copper tubing, flare connections, sensors, at drainage system. Dahil dito, minsan lumalabas ang dati nang hidden problem na hindi pa napapansin noon.

See also  Aircon Biglang Humina After Cleaning? Eto ang Posibleng Dahilan

Sa madaling salita:

  • Hindi ibig sabihin na cleaning agad ang sanhi
  • Posibleng existing issue na talaga ito
  • Ngayon lang siya naging obvious pagkatapos ma-inspect ang unit

Ito ang Madalas na mga Dahilan Bakit Nag-Error ang Aircon

1. Existing na ang Micro Leak Noon Pa

Ito ang isa sa pinaka common na dahilan kung bakit biglang nagkaka-error pagkatapos ng cleaning.

Ang micro leak ay maliit na tagas sa refrigerant line o flare connection na sobrang bagal lang mawalan ng freon kaya hindi agad napapansin.

Habang tumatagal:

  • Humihina ang lamig
  • Bumababa ang refrigerant pressure
  • Nagkakaroon ng error codes
  • Mas nahihirapan ang compressor

Bakit Ngayon Lang Ito Lumabas?

Kapag binuksan at ginalaw ang unit during cleaning:

  • Na-stress ang lumang copper tubing
  • Lumuwag ang weak flare connection
  • Mas naging obvious ang existing leak

Hindi ibig sabihin nito na cleaning ang sanhi. Mas possible na dati na itong problema pero ngayon lang talaga nakita.

2. Brittle o Luma na ang Copper Tubing

Habang tumatagal ang aircon, humihina rin ang durability ng copper tubing lalo na kung exposed sa moisture, vibration, at corrosion.

Kapag brittle na ang tubo:

  • Mas madaling magkaroon ng hairline cracks
  • Mas sensitive sa movement habang nililinis
  • Mas mataas ang chance ng refrigerant leak

Signs ng Refrigerant Problem:

  • Mahina ang lamig
  • May yelo sa indoor unit
  • May error code
  • Matagal lumamig ang kwarto

3. Lumang Flare Connection o Poor Installation

May mga pagkakataon na hindi maayos ang original installation ng aircon kaya vulnerable na talaga ang fittings at flare connections.

Habang nililinis ang unit:

  • Nagagalaw ang connections
  • Lumalala ang existing weakness
  • Nagiging visible ang tagas

Maraming aircon issues ang lumalabas lang months o years after installation.

Kung gusto mong maintindihan kung paano nagiging sanhi ng future problems ang maling installation, I highly recommend basahin mo ito:

See also  Aircon Biglang Ayaw Umandar? Capacitor Problem Explained (Complete Guide)

4. Sensor o Electrical Connections na Naapektuhan

Sa ilang cases, hindi refrigerant leak ang problema kundi sensors o electrical connections.

Habang nililinis ang unit:

  • Pwedeng may loose connector
  • May moisture na nakaapekto sa sensor
  • May faulty wiring na lumabas habang tine-test

Kapag may electrical issue, madalas may error code agad na lumalabas sa display.

5. Biglang Nag Shutdown ang Aircon

Kapag kulang na ang refrigerant o may sensor issue, may mga aircon na automatic nagshu-shutdown para protektahan ang compressor.

Ito ay built-in safety feature ng maraming modern split type aircon.

Isa sa pinaka common na maling solution ay diretso freon refill agad kahit hindi pa naaayos ang leak.

Kapag may tagas pa rin:

  • Mawawala ulit ang freon
  • Sayang ang gastos
  • Bababa ulit ang cooling performance

Kung gusto mong maintindihan kung bakit humihina ang lamig at bakit hindi sapat ang refill lang, I recommend basahin mo ito:

Ano ang Dapat Gawin Kapag Nag Error ang Aircon

Ito ang mga pinaka recommended na next steps.

Magpa-Leak Test

Ang proper leak test ang pinaka importanteng gawin para malaman kung saan talaga nanggagaling ang refrigerant leak.

Hindi dapat hula-hula lang ang diagnosis lalo na kung freon issue ang suspect.

I-check ang Flare at Fittings

May mga leaks na simpleng flare adjustment o refitting lang ang kailangan.

Kapag maagap itong naayos, maiiwasan ang mas malaking repair.

Huwag Agad Sisihin ang Technician

Maraming hidden issues ang lumalabas lang talaga pagkatapos mabuksan at ma-inspect ang unit.

Sa maraming pagkakataon, blessing pa nga na nakita agad ang problema bago tuluyang masira ang compressor. Kaya iwasan natin sisihin agad ang aircon technician.

Pumili ng Transparent na Technician

Ang maayos na technician ay:

  • Magpapakita ng actual leak
  • Mag-eexplain ng diagnosis
  • Hindi agad magre-recommend ng refill lang
  • Magbibigay ng proper testing bago repair

Common Mistake ng Homeowners

Isa sa pinaka common na mistake ay paulit-ulit na freon refill nang hindi hinahanap ang totoong source ng leak.

See also  Nabaha Ang Appliances? Heto Ang Step-by-step Na Dapat Gawin Pagkatapos Ng Baha

Habang tumatagal:

  • Mas lumalala ang tagas
  • Mas nahihirapan ang compressor
  • Mas tumataas ang repair cost

FAQs

Normal ba na magka-error pagkatapos linisin ang aircon?

Hindi normal, pero posible itong mangyari kapag may hidden issue na lumabas habang nililinis ang unit.

Kasalanan ba agad ng technician kapag nagka-error?

Hindi palagi. Madalas existing problem na talaga ito bago pa ang cleaning.

Ano ang micro leak?

Maliit na refrigerant leak na mabagal mawalan ng freon pero lumalala habang tumatagal.

Pwede bang freon refill lang ang solution?

Hindi kung may existing leak pa rin sa system.

Kailan dapat magpa-leak test?

Kapag paulit-ulit humihina ang lamig o may error related sa refrigerant pressure.

Conclusion

Ang paglabas ng error pagkatapos ng aircon cleaning ay hindi agad ibig sabihin na may maling nagawa during maintenance. It most cases, lumalabas lang talaga ang hidden issues tulad ng micro leaks, weak flare connections, o electrical problems kapag nabuksan at na-check nang mabuti ang unit.

Mas mabuti nang maagapan agad ang mga ganitong problema kaysa hayaan itong lumala at humantong sa compressor failure o mas malaking repair cost. Ang tamang diagnosis, proper leak testing, at honest na assessment mula sa technician ang pinaka importanteng hakbang para maayos nang tama ang problema.

Final Advice

Huwag agad magpanic o maghanap ng sisihin kapag nagka-error ang aircon pagkatapos linisin dahil maraming existing problems ang ngayon lang talaga nade-detect during maintenance. Iwasan din ang paulit-ulit na freon refill nang walang proper leak testing dahil sayang lang ang gastos kung may tagas pa rin ang system.

Mas mabuting ipa-check nang maayos ang unit at siguraduhing transparent ang technician sa findings at recommended repair. Sa tamang maintenance at diagnosis, mas maiiwasan ang major breakdown at mas tatagal ang buhay ng aircon mo.