Alam mo ba kung gaano katagal bago mapagod ang refrigerator mo? Oo, kahit gaano pa kaingat ang gamit natin, may lifespan din talaga ang appliances gaya ng ref.
Average Lifespan ng Refrigerator
Sa normal na gamit, ang refrigerator ay tumatagal ng 10 to 15 years. Pero depende pa rin ‘yan sa brand, model, at kung paano ito ginagamit at inaalagaan. May ibang units na umaabot pa ng 20 years, lalo na kung well-maintained.
Mga Factors na Naka-Affect sa Lifespan ng Ref
1. Regular Cleaning
Kapag madalas linisin, especially ang condenser coils sa likod or ilalim ng ref, mas magaan ang trabaho ng motor. Iwas din sa overheat!
2. Usage
Kung todo bukas-sara ng pinto, overload sa laman, o napapalibutan ng init (katulad ng kalapit ng kalan), mas mapapagod agad ang ref mo.
3. Power Fluctuations
Frequent brownouts o power surge? Delikado sa compressor at control board. Kung pwede, gumamit ng voltage regulator.
4. Overworking
Kapag luma na ang gasket/seal ng pinto at may tagas na lamig, napipilitang magtrabaho ng todo ang compressor. Kaya napuputukan agad o napuputukan ng budget si owner 😅
Signs na Palapit na sa Katapusan ang Ref Mo
- Mahina na ang lamig kahit naka max setting
- Maingay na ang compressor
- Tumataas bigla ang kuryente kahit di naman masyadong gamit
- Palaging nag-i-ice buildup sa freezer
- Hindi na pantay ang lamig sa taas at baba
Ano’ng Pwedeng Gawin Para Tumagal ang Ref?
- Linisin ang coils every 6 months
- Iwas overload at laging isara ang pinto ng maayos
- Use voltage protector para sa sudden power loss or surge
- Regular maintenance o check-up lalo na kung 8 years pataas na ang unit
Final Reminder:
Hindi forever ang appliances, pero kung maalaga ka, pwedeng tumagal nang higit sa expected lifespan ang ref mo. Pero kapag sobrang gastos na sa repair at kuryente, baka time na to let go. Minsan, mas tipid ang bago kaysa ipilit ang luma.










