Kapag biglang naging maingay si washing machine, hindi lang ito nakakainis — pwedeng may sira o issue na dapat ayusin bago pa lumala. Good news? Minsan, simple lang ang cause ng ingay, at kayang-kaya itong ayusin kahit hindi ka techie.
So, bakit nga ba parang may concert sa laundry area mo tuwing maglalaba? Let’s break it down!
Baka May Naiwang Coins or Maliit na Bagay sa Bulsa
Yes, coins, hairpins, screws, at kung anu-ano pang maliliit na bagay na naiiwan sa bulsa ng pantalon or jacket — madalas silang salarin sa maingay na spin cycle.
Kapag nag-spin na si machine, sumasayaw ang mga ‘yan sa loob ng drum at pwedeng magdulot ng kalabog o kalansing.
Quick Fix:
- I-off muna ang unit
- Slowly rotate the drum by hand
- Pakinggan kung may kumakalansing
- With patience, mahuhulog din ‘yan sa filter or hose kung saan mo na siya kayang tanggalin
Worn Out Drum o Loob na Components
Kung wala namang naiipit na coins pero parang may lumalagitik, tumatama, o sumisigaw ang machine tuwing spin, baka internal na ang problem.
Pwedeng:
- May damage na ang drum
- Sira na ang motor o shock absorbers
- May loose na parts sa loob
Iwasan pilitin gamitin — baka lalong masira. Ang ganitong issue, best na ipa-check kay trusted technician.
Unbalanced Load or Wrong Placement
Minsan, hindi machine ang may problema kundi paano mo siya ginagamit.
Examples:
- Isang malaking kumot lang ang nilagay mo — unbalanced load ‘yan
- Naka-tilt o hindi flat ang pagkaka-position ng machine
- Kulang sa load o sobra sa bigat
Ayusin agad para iwas sira:
- Balance the laundry load
- Check kung level ang machine
- Avoid overloading para hindi napipwersa
TIPID TIP:
Kung lagi na lang siya maingay at ilang beses nang na-repair, baka mas sulit bumili ng bagong unit. Yung energy-efficient pa, tahimik, at may smart features pa!
Final Reminder
Bago ka mag-assume ng major sira, i-check mo muna ang mga simpleng posibleng dahilan ng maingay na washing machine. Minsan coins lang talaga! Pero kung may duda, wag ng ipilit — ipasuri kay expert para hindi lumala . Tawag or Message lang sa Cooolvid Aircondition & Refrigeration Parts Trading .










