NAPAPABAYAAN MO NA BA ANG AIRCON MO? BAKA KAILANGAN NA NG CLEANING!

Laging importante ang pagpapalinis ng aircon, summer man o hindi. Kung hindi mo pa ito naisisingit sa to-do list mo, ito na ang sign na hinihintay mo! Narito ang ilang practical na dahilan at tips kung bakit kailangan mong magpa-aircon cleaning ngayon.

Mas Efficient at Mas Matipid!

Alam mo ba na kapag marumi ang aircon mo at barado ang filters at coils, mas mahihirapan itong magpalamig ng kwarto? Ang resulta? Mas mataas na konsumo ng kuryente! Kapag hindi regular na nalilinis ang aircon, siguradong babara ang filters nito dahil sa alikabok at maliliit na particles.

Sa pamamagitan ng professional aircon cleaning, matatanggal ang naipong dumi at magiging mas efficient ang takbo ng AC. Hindi na nito kailangang magtrabaho nang todo para lang maabot ang desired temperature. Ang rekomendasyon? Magpa-aircon cleaning tuwing 3-4 buwan para sa residential units.

Bukod sa efficiency, napipigilan din ang aircon breakdowns at napapahaba ang lifespan nito sa regular na pagpapalinis. Sa madaling salita, makakatipid ka sa repairs at hindi mo agad kailangang bumili ng bagong unit.

Cooling Comfort Mula sa Malinis na Aircon

Napansin mo ba kung paano lumalakas ang buga ng electric fan pagkatapos linisin? Ganoon din ang epekto sa aircon! Kapag malinis ang unit, mas maayos nitong napapalamig ang kwarto, na nagbibigay ng mas komportableng atmosphere lalo na ngayong tag-init sa Pilipinas.

Siyempre, ang lamig ng hangin ay depende rin sa factors tulad ng temperature setting, laki ng kwarto, at insulation. Hindi man maging parang yelo ang lamig, pero siguradong mararamdaman mo ang malaking pagkakaiba!

READ  KAILAN DAPAT TUMAWAG NG AIRCON TECHNICIAN?

Iwas Hassle – Magpa-Book ng Aircon Cleaning Ngayon!

Habang papalapit ang summer, tumataas din ang demand para sa aircon cleaning services. Kaya naman, mas maganda kung magpa-book ka na nang maaga para hindi mahuli sa pila. Puwede kang mag-schedule ng cleaning service sa oras na convenient para sa’yo at iwas long wait tuwing peak season.

Para sa maaasahang aircon cleaning service, subukan ang Coolvid Annual Care Plan. Sa planong ito, regular naming lilinisin at iche-check ang aircon mo para siguradong malakas ang buga ng malamig na hangin at laging nasa kondisyon ang unit mo. Iwas hassle, iwas init! Magpa-book na ngayon para chill ang summer sa bahay mo!