Alam mo ‘yung moment na bagong laba ang damit pero may funky smell pa rin? Baka hindi damit ang may problema—baka washing machine na mismo ang may amoy! 😬
Hindi lang ito tungkol sa panglabang galing. Kailangan din nating alagaan ang machine para tumagal siya at hindi bumaho. Kung iniisip mong “paano nga ba linisin ang washing machine?” — eto na ang sagot mo.
Linisin ang Sabitan ng Sabon (Detergent Drawer)
Sa mga front-load na washing machine, ang detergent drawer ay pwedeng pamugaran ng dried-up soap, molds, at kung anu-anong residue. Kaya every 2–3 months, tanggalin mo ito at scrub-in mo ng todo gamit ang lumang toothbrush at bleach spray.
Pro tip: Bago mo pilitin tanggalin ang drawer, check mo muna ang manual. Madalas naman, madali lang itong hilahin palabas—no tools needed!
Keywords: how to clean washing machine drawer, front load washing machine cleaning tips
Alisin ang Lint sa Filter
Yes, may lint filter din ang washing machine—lalo na kung top-load ang gamit mo. Kapag pinabayaan mo itong may bara ng lint, hindi lang babaho ang loob ng machine—pwedeng umapaw ang tubig o magka-leak pa.
Gawin weekly: Ilagay muna ang towel sa floor (baka may tubig na lalabas), buksan ang compartment, alisin ang lint, at banlawan ang filter sa gripo.
Magpaandar ng Empty Cycle Gamit ang Vinegar
Isa sa mga best hacks ever para mawala ang amoy sa loob ng machine: vinegar! Just pour 3 cups of distilled white vinegar sa drum, then paandarin mo sa hot water setting (no clothes, syempre). Nakakatanggal ‘to ng bacteria, molds, at bad odors.
Walang vinegar? Okay na rin ang plain hot water cycle, pero mas effective kung may vinegar talaga.

Alagang Coolvid recently shared expert tips on washing machine maintenance with Redfin! Check out the full article here: Here’s The Right Way to Clean Your Washing Machine, According To The Pros
Huwag Kalimutang Linisin ang Rubber Seal
Para sa mga naka front-load, check mo ‘yung rubber seal sa bukasan—doon madalas naiipon ang tubig at dumi. Sobrang dali nitong tubuan ng molds at bacteria na dahilan ng bad smell.
Gamit ka lang ng malinis na basahan o sponge, punasan ang seal every few weeks. Pwede mo rin i-spray ng anti-mildew cleaner kung gusto mong todo linis.
Bonus Tip: Magpa-Cleaning sa Trusted Technician
Kapag sobrang dumi na or luma na ang machine mo, minsan hindi sapat ang DIY. Good thing, Coolvid Aircondition & Refrigeration Parts Trading ay hindi lang pang-aircon—nagbibigay rin sila ng professional washing machine cleaning at repair services.
Mura na, trusted pa. Kung ayaw mong sumugal sa ‘di kilalang tech, sila na ang tawagan!
Final Thoughts
Washing machine mo, parang kotse—kailangan alagaan para hindi magkaaberya. Konting effort, big savings sa future! Sundin mo lang ang mga tips na ‘to para sure kang laging malinis, amoy fresh, at maaasahan ang labada mo.










