ANO ANG MICRO LEAK SA AIRCON? PAANO NITO NAAAPEKTUHAN ANG PERFORMANCE MO?

Lumalakas ang kuryente pero humihina ang lamig ng aircon mo?
O baka naman kababalik lang ng technician pero ilang araw pa lang, parang may problema na ulit?
Baka may micro leak na ang unit mo.

Pero ano nga ba talaga ang micro leak at paano mo malalaman kung meron ka nito?

Ano ang Micro Leak?

Ang micro leak ay sobrang liit na tagas ng refrigerant (freon) mula sa aircon unit. Hindi siya agad-agad obvious—walang tunog, walang tumutulo, at minsan walang amoy. Pero over time, unti-unting nauubos ang freon, at mapapansin mong:

  • Mahina na ang lamig
  • Matagal bago lumamig ang kwarto
  • Tumaas ang electric bill
  • May oil stain sa tubing o copper pipe

Kahit bago pa lang ang unit mo, possible pa rin magkaroon ng micro leak—lalo na kung may factory defect, pressure stress, corrosion, or maling pagkakabit ng copper tubing.

Delikado Ba ang Micro Leak?

Yes. Here’s why:

  • Napipilitan ang compressor magtrabaho nang husto, kaya madalas masira.
  • Sayang ang freon — mahal na, harmful pa sa environment kung laging nauubos.
  • Hindi na efficient ang aircon mo, kaya tataas ang electric bill mo buwan-buwan.

Mas malala, kung palagi kang nagpaparefill ng freon pero hindi inaayos ang leak, parang nagsasalin ka lang ng tubig sa basong may butas.

Paano Malalaman Kung May Micro Leak?

Visual check – Tingnan kung may oil marks sa joints, pipes, or connections.
Bubble test – Simple way to see if may hangin na lumalabas.
Electronic leak detector – Mas accurate na gamit ng pro technicians.
Nitrogen pressure test – Pang-diagnose ng hidden leaks sa loob ng system.

READ  PWEDE BANG GAMITIN ULIT ANG LUMANG TUBO NG AIRCON SA RE-INSTALLATION ?

Solusyon sa Micro Leak

1. Locate the leak. Kailangan mahanap kung saan nanggagaling ang tagas—sa evaporator coil ba? Sa copper tubing? Sa joints?
2. Ayusin, huwag takpan lang. Gamitin ang tamang welding tools, flare nuts, o kapalit na parts.
3. Recharge with freon AFTER repair. Kung hindi aayusin ang leak, ulit-ulit ka lang magpaparefill.

Trusted Source for Tools and Parts?

Dito na kay Coolvid Aircondition and Refrigeration Parts Trading!

We offer:

  • Leak detection kits
  • Copper tubing
  • Welding rods
  • Refrigerant and gauges
  • All-in-one repair supplies for HVAC pros and DIYers

Final Thoughts

Ang micro leak ay maliit lang sa simula, pero malaki ang epekto sa performance at bulsa mo.
Kaya huwag hayaang lumala.
Kung may duda ka, pa-check agad. Mas makakatipid ka sa long run.

Mag book na sa Coolvid Aircondition and Refrigeration Parts Trading!