BAKIT AYAW UMIKOT NG WASHING MACHINE MO ? (AT PAANO ITO AYUSIN!)

May araw talaga na todo handa ka na sa labada—pero biglang ayaw umiikot ang washing machine mo. Nakakainis ‘di ba? Pero don’t worry, marami diyan ay madaling ayusin, lalo na kung alam mo ang common causes kung bakit ito nangyayari.

1. Sobrang Dami ng Labada?

Isa sa pinaka-common reason kung bakit ayaw mag-spin ang washing machine ay dahil overloaded siya. Oo, kahit malaki ang drum, may hangganan pa rin ito. Kapag punong-puno na, nahihirapan ang makina at minsan automatic siyang humihinto sa pag-ikot.

Quick Fix: Bawasan mo muna ang laman. Subukang hatiin sa dalawang batch para mas maayos ang ikot.

2. Baka May Baradong Drain Pump

Kapag walang maayos na flow ng tubig palabas, pwedeng hindi mag-spin ang machine. Ang culprit? Kalimitan ay barya, buhok, medyas, o dumi na na-trap sa drain pump o outlet hose.

Quick Fix:

  • I-off at i-unplug muna ang machine.
  • I-check ang drain filter o pump sa ilalim (usually may access door ito).
  • Linisin at tanggalin ang bara kung meron.

Reminder: Mag-gloves ka at maghanda ng palanggana—baka may tubig pa na lalabas!

3. Unbalanced Load sa Drum

Kapag di pantay ang pagkakaayos ng labada, nagkakaroon ng imbalance kaya ini-skip ng machine ang spin cycle for safety. Madalas ‘to sa mga malalaking damit like comforters or jackets.

Quick Fix:

  • I-pause ang cycle.
  • Ayusin ang pagkaka-spread ng clothes sa drum.
  • Then restart mo ulit.

4. Sira na ang Internal Parts

Kung na-check mo na lahat ng nabanggit sa taas pero ayaw pa rin, baka deeper issue na ito. Possible na may sira na sa motor, belt, o control board.

READ  ULTIMATE WASHING MACHINE BUYING GUIDE FOR EVERY PINOY HOUSEHOLD

DIY isn’t recommended here!
Best Move: Tawagan na si trusted technician para sa professional washing machine repair.

Final Reminder:

Huwag agad mag-panic kapag hindi nag-spin ang washing machine. Minsan, simple issue lang ‘yan na pwedeng ayusin sa bahay. Pero kung pabalik-balik na ang problema, baka panahon na rin na ipa-check sa Coolvid o palitan ang unit.