Hala bakit hindi lumalamig kahit full blast na ang aircon ? kung ganito ang tanong mo, baka nasa maling lugar ang unit mo.
Alam mo ba na maling-mali kung ang window type aircon ay naka-install sa loob ng kulob na espasyo, imbes na may bukas o labas na hanging sinisinghot? Hindi lang ito sayang sa kuryente, delikado pa sa unit mo.
Kulob na Area = Walang Hangin na Makakaalis ng Init
Ang trabaho ng window type aircon ay i-absorb ang init mula sa loob ng kwarto at ilabas ito sa likod ng unit. Kapag sa loob mo ito nilagay nang walang proper ventilation, hindi mailalabas ng unit ang init. Ibig sabihin, umiinit lang lalo ang paligid — parang nagsisiga ka sa loob ng kwarto!
Stress sa Compressor at Motor
Kapag walang maayos na bentilasyon, napupwersa ang compressor at ang fan motor mo. Iikot sila nang iikot para i-maintain ang lamig pero walang pupuntahan ang init. Resulta? Madali silang masira at ang ending: palit unit or mahal na repair.
Risk ng Overheating
Ang mga aircon na walang maayos na hangin sa likod ay prone sa overheating. Lalo na sa summer, kapag naka-on buong araw, puwedeng tumirik bigla ang unit o, worst-case, magka-sunog.
Dagdag sa Electric Bill
Dahil pilit na nagtatrabaho ang aircon mo para palamigin ang room kahit mainit pa rin sa likod, doble effort = doble konsumo sa kuryente. Hindi ka na nga lumamig, nalugi ka pa sa Meralco.
Tamang Installation ng Window Type Aircon:
- Dapat nakalabas ang likod ng unit (outdoor side) — sa labas ng bahay or may bentiladong area.
- Kung walang option, magpakabit ng exhaust fan or butasan ang pader for proper airflow.
- Pa-check sa licensed technician para sa tamang orientation ng unit.
Conclusion
Kung ayaw mong masayang ang investment mo sa aircon, siguraduhing tama ang installation. Hindi porke gumagana, ayos na. Ang maling pagkakabit ay unti-unting sumisira sa unit mo — at sa bulsa mo.
Kung mag papakonsulta ka sa iyong aircon tawag lang sa Coolvid Aircondition & Refrigeration Parts Trading .










