Alaga ka naman sa paglinis. Monthly mong chini-check ang filter. Ginagamit mo pa nga mild soap at soft brush, tapos binabalik mo nang maayos. Pero bakit parang nasisira pa rin ang aircon mo kahit regular ang maintenance?
Don’t worry, hindi ka nag-iisa. Maraming aircon owners ang confused sa ganitong scenario. Let’s break it down kung bakit nangyayari ito and what you can do about it.
- 1. Luma o Worn-Out na ang Parts
- 2. Kulang sa Deep Cleaning
- 3. Electrical or Wiring Problems
- 4. Mababa ang Freon or Refrigerant
- 5. Mali ang Installation o Undersized ang Unit
- Ano ang Dapat Mong Gawin?
- Final Reminder
1. Luma o Worn-Out na ang Parts
Kahit gaano ka ka-OC sa linis, kung matanda na ang unit mo (5 years and up), possible na may mga parts na pagod na talaga—like the capacitor, compressor, o blower motor.
Signs to watch out for:
- Mabagal lumamig
- Parang may humuhuni o maingay
- Madalas nag-a-auto off
2. Kulang sa Deep Cleaning
Yung filter? Yes, kaya mong linisin. Pero paano ‘yung evaporator coil, condenser coil, at blower fan? ‘Yan ang parts na madalas naiiwan sa dumi dahil hindi naaabot.
Solution:
Magpa-deep clean every 3 to 4 months gamit ang trained technician. Dito nililinis pati loob ng unit, hindi lang ‘yung nakikita sa harap.
3. Electrical or Wiring Problems
Minsan, ang problema hindi dumi kundi kuryente. May short circuit? Loose wiring? Sira ang capacitor? Kung bigla na lang namamatay ang aircon or nagti-trip ang breaker, baka electrical na ang issue.
Warning:
Don’t DIY this. Always call a licensed technician.
4. Mababa ang Freon or Refrigerant
Kung hindi na malamig kahit okay ang filter, baka kulang na sa refrigerant. Nakikita ‘to kapag may yelo sa unit, or kapag hindi na talaga malamig kahit full blast.
Pro Tip:
Low freon = hindi efficient + tataas ang kuryente mo. Ipasuri agad.
5. Mali ang Installation o Undersized ang Unit
Kung mali ang pagkakabit o hindi tugma sa laki ng room mo ang horsepower ng unit, laging overloaded ang aircon. Resulta? Mas mabilis masira.
Sample Scenario:
Naglagay ka ng 0.5HP unit sa 15 sqm room? Hapo agad ‘yan.
Ano ang Dapat Mong Gawin?
- Huwag lang filter cleaning. Include full system checks sa routine mo.
- Magpa-check sa technician kapag may unusual na tunog, amoy, o performance issue.
- Observe ang performance after 3-5 years of use. Minsan, mas makakatipid ka kung palitan na lang ng bagong unit.
Final Reminder
Yes, regular cleaning is essential. Pero hindi ito magic wand. Maintenance is just one part of the equation.
Kung gusto mong i-maximize ang lifespan ng aircon mo, combine filter cleaning + professional checkups + tamang gamit.
Book na sa COOLVID AIRCONDITION and REFRIGERATION TRADING.










