BAKIT KAILANGAN ALAMIN ANG SUKAT NG KWARTO BAGO BUMILI NG AIRCON?

Nag-iisip ka bang bumili ng bagong aircon para sa kwarto mo? Bago ka mag-check out, siguraduhin mo munang alam mo ang tamang sukat ng kwarto mo para hindi ka magkamali sa pagpili ng aircon unit! Narito ang ilang tips kung paano sukatin ang kwarto mo para sa tamang aircon.

Bakit Kailangan Sukatin ang Kwarto Para sa Aircon?

Hindi porket kilala ang brand o mura ang aircon ay ito na agad ang bibilhin mo. Importante na tama ang laki ng aircon para maging efficient ito sa paglamig ng kwarto. Kapag undersized ang aircon, mahihirapan itong palamigin ang kwarto. Kapag oversized naman, mabilis itong mag-o-off at on, na magreresulta sa mas mataas na konsumo ng kuryente.

Kapag tama ang sukat, mas maayos ang air quality at mas mababa ang ingay dahil hindi ito palaging nag-o-on at off. Syempre, mas tipid din sa kuryente kaya mas bababa ang electric bill mo!

Paano Sukatin ang Kwarto?

Ang unang hakbang sa pagpili ng tamang aircon ay ang pagsukat ng kwarto mo. Hindi pwedeng tansyahan lang dahil maaaring masayang ang pera mo kung mali ang sukat ng aircon. Narito ang mga simpleng steps:

  1. Ihanda ang tape measure, ballpen, at papel.
  2. Magsimula sa isang corner ng kwarto bilang reference point.
  3. Sukatin ang haba ng kwarto mula sa isang dingding papunta sa kabila. I-record ang measurement.
  4. Sunod, sukatin ang lapad mula sa harap papunta sa likod. Kung nalilito ka, ito yung sukat na nagpapakita kung gaano kalawak ang kwarto.
  5. Para makuha ang sukat ng kwarto sa square meters, i-multiply ang haba at lapad. Halimbawa, kung ang kwarto mo ay may 15 feet haba at 20 feet lapad, ang total ay 300 square feet. I-divide ito sa 10.764 para makuha ang sukat sa metro. Sa kasong ito, nasa 27.87 square meters ang kwarto mo.
READ  DAPAT BA BUMILI NG SECOND-HAND NA AIRCON? ALAMIN ANG PROS AT CONS!

Ano ang Tamang Aircon Para sa Sukat ng Kwarto?

Bilang general rule, kailangan mo ng 0.5 HP aircon para sa kwarto na 6-11 square meters. Para naman sa kwarto na may 18-22 square meters, 1 HP aircon ang kailangan mo.

Importante ang Tamang Sukat ng Kwarto Para sa Aircon!

Madali nang bumili ng aircon ngayon dahil available na ang mga ito online. Pero, mahalagang maging wais ka sa pagbili para sulit ang bawat piso na pinagtrabahuhan mo.

Bukod sa pagpili ng The Best Aircon Brands in the Philippines, isaalang-alang din ang ilang factors tulad ng dami ng tao sa kwarto, Energy Efficiency Rating (EER), at features na kailangan mo.

Para sa mga kwarto na may kakaibang hugis, pwedeng magpa-survey sa certified aircon technician para matulungan ka sa tamang pagsukat. Pwedeng mo ring i-avail ang Site Survey service para ma-evaluate nang maayos ang kwarto mo at malaman ang tamang aircon type at size.

Para magpa-book ng certified aircon technician sa Rizal, bumisita lamang sa coolvidaircon.com