PAANO MO MALALAMAN KONG MABABA O WALA NG FREON ANG AIRCON MO?

Kapag sobrang init sa bahay o opisina, siguradong takbuhan natin ang aircon para magpalamig. Pero paano kung napansin mong parang hindi na ito masyadong malamig kahit mataas ang settings? Baka kulang o wala nang freon ang aircon mo! Alamin natin ang mga palatandaan na kailangan mo nang ipa-check ang refrigerant ng unit mo.

Ano ang Freon at Bakit Ito Mahalaga?

Ang freon ay ang refrigerant na ginagamit ng aircon para magpalamig. Para itong lifeblood ng system – kung wala ito, hindi kaya ng aircon mag-produce ng malamig na hangin. Kaya kung may leak o ubos na ang freon, siguradong hindi na magiging efficient ang aircon mo.

Palatandaan na Mababa o Wala Nang Freon ang Aircon Mo

1. Hindi Na Malamig ang Hangin

Kung napansin mong malamig pa rin ang hangin pero hindi sapat para palamigin ang buong kwarto, ito ang unang senyales na bumababa na ang freon level. Kapag tuluyang naubos, puro hangin na lang ang lalabas.

2. Nag-freeze ang Evaporator Coils

Ang coils na nagpo-produce ng lamig sa loob ng aircon ay maaaring magka-yelo kung kulang ang freon. Tingnan kung may build-up na ng frost o yelo sa loob ng unit.

3. Mas Matagal Bago Lumamig ang Kwarto

Kapag kulang ang freon, hirap ang aircon na abutin ang desired temperature. Mapapansin mo rin na parang mas mahina ang performance kahit mataas ang thermostat.

READ  AMOY SUNOG SA AIRCON? ALAMIN MUNA BAGO MAGPANIC!

4. Tumataas ang Electric Bill

Isa pang palatandaan ay ang biglaang pagtaas ng kuryente kahit pareho lang ang paggamit mo. Dahil kulang ang freon, napipilitan ang aircon na mag-double effort kaya mas mataas ang konsumo ng kuryente.

5. May Naririnig Kang Hissing Sound

Kapag may leak ang freon, madalas may maririnig kang parang “hiss” o pagtagas ng hangin sa loob ng unit. Ito ay dahil sa pressure sa loob ng refrigerant lines.

Kung may palatandaan na wala nang freon ang aircon mo, huwag mo itong DIY. Ang freon ay isang chemical na kailangang i-handle ng professional. Narito ang mga steps na dapat gawin:

  1. Ipa-check sa Certified Technician
    Mahalaga na ipatawag ang isang licensed aircon technician para mag-diagnose ng problem. Iche-check nila kung may leaks o kailangan lang mag-recharge ng freon.
  2. Ipaayos Agad ang Leak
    Kung may leak, siguraduhing ipa-repair agad. Hindi sustainable ang paulit-ulit na pag-recharge ng freon kung hindi maayos ang ugat ng problema.
  3. Schedule Regular Maintenance
    Para maiwasan ang ganitong problema, magpa-schedule ng regular na maintenance every 3 to 6 months. Sa ganitong paraan, maaga pa lang, nakikita na ang potential issues.

Mag-Invest sa Tama at Maaasahang Services

Kapag kailangan mo ng professional aircon service, huwag nang magdalawang-isip. Maghanap ng reliable na technician na may experience sa refrigerant repairs. Tandaan, mas makakatipid ka sa mahabang panahon kung maayos at efficient ang aircon mo.