Alamin ang mga dahilan kung bakit parang may party sa laundry area mo.
May ingay ba sa labahan? O parang may sumasayaw na washing machine habang umiikot?
Don’t panic — pero baka kailangan mo na siyang silipin!
Normal lang naman sa washing machine ang konting galaw habang naglalaba. Pero kapag halos tumatalon na ito sa sobrang vibrate, it’s a sign na something’s off.
1. Hindi Naka-Level ang Washing Machine
Isa sa pinaka-common na cause kung bakit nagwawala ang washer mo ay dahil hindi ito pantay ang pagkakapatong sa floor.
Gamit ka ng bubble level (pwede mo rin i-download na app!) para i-check kung pantay siya.
I-adjust ang mga paa ng washer — karamihan may turnable legs na pwedeng iikot para tumama sa level ng floor.
2. Unbalanced Load ng Labada
Minsan, hindi naman sira ang machine — hindi lang evenly spread ang mga damit sa loob.
I-stop ang cycle pag narinig mong parang kalabog-kalabog.
Buksan at i-rearrange ang mga damit. Spread mo nang pantay sa drum.
Pro tip: Huwag pagsabayin ang isang towel at ilang t-shirt lang – hindi sila balance!
3. May Sirang Suspension Rods o Springs
Kung na-check mo na ang level at balance pero galawan queen pa rin ang washing machine mo, baka suspension rods na ang problema.
Ang mga rods na ‘to ang kumakapit sa drum para hindi ito mag-bounce nang todo.
Kapag naputol, na-disconnect, or worn-out na, automatic talon mode ang machine mo.
Time to call a technician para ma-check at mapalitan kung kailangan.
4. Bonus Tip: Huwag I-overload!
Oo, gusto natin makatipid sa kuryente at tubig — pero wag mong i-max out lagi ang washer.
Overloading can cause imbalance at makasira ng parts in the long run.
Final Thoughts:
Ang tumatalon na washing machine ay hindi lang nakakainis — delikado rin ‘yan!
Pwede nitong ma-damage ang flooring mo o masira ang internal parts ng appliance.
So next time narinig mong parang may mini-earthquake sa labahan, pause and inspect agad.
🧼 Want smoother laundry days? Check and maintain your washing machine regularly!
👨🔧 And when in doubt, tawag na sa certified technician Coolvid ang expert dyan !