KAILAN DAPAT MAGPA-AIRCON CLEANING? MGA PALATANDAAN NA DAPAT MALAMAN

Kapag tag-init, ang aircon ang ultimate best friend natin. Pero kahit gaano pa kaganda o kamahal ang unit mo, kung hindi ito properly naaalagaan, tiyak na magdudulot ito ng stress.

Kaya naman ang tanong, kailan ba dapat magpa-aircon cleaning?

Ano-ano ang mga palatandaan na dapat mong bantayan? Basahin natin ang mga signs na dapat mo nang i-schedule ang cleaning bago pa lumala ang problema.

Mga Palatandaan na Dapat nang Magpa-Aircon Cleaning

1. Humina ang Lamig ng Aircon

Napansin mo bang hindi na ganoon kalamig ang hangin kahit naka-full blast na? Baka barado na ang filter o evaporator coil dahil sa dumi.

Isa ito sa unang senyales na kailangan nang ipa-check at ipa-clean ang unit mo.

2. May Amoy ang Hangin

Kung may naaamoy kang kakaiba (parang amag o mabaho), posibleng naipon na ang dumi at bacteria sa loob ng unit mo.

Hindi lang ito nakakairita sa ilong, pero posibleng magdulot din ng health issues, lalo na sa mga bata at may allergy.

3. May Tumutulo o Nagyeyelong Tubig sa Unit

Kapag tumutulo ang tubig o nagyeyelo ang aircon, indikasyon ito na may baradong drainage o sobrang dumi ang evaporator coil.

Hindi lang ito nakakaperwisyo sa paggamit, pero posibleng masira ang unit kapag pinabayaan.

READ  ANO ANG PINAGKA IBA NG INVERTER SA NON-INVERTER AIRCON ?

4. Mataas ang Electric Bill

Nagtataka ka ba kung bakit biglang tumataas ang kuryente kahit same pa rin ang gamit mo? Ang dumi sa aircon ang isa sa mga dahilan nito.

Kapag barado ang filter o coil, kailangan ng unit na magtrabaho nang doble, kaya mas malakas sa kuryente.

5. Maingay ang Unit

Kung dati tahimik lang ang unit mo pero ngayon parang may nagra-rattle o humihiging na, posibleng may alikabok o debris sa loob. Kailangang ipa-check at ipa-clean agad ito.

Bakit Regular na Cleaning ang Solusyon?

Ang regular na aircon cleaning ay hindi lang para gumana nang maayos ang unit mo. Malaking factor din ito para:

  • Mapanatiling mababa ang electric bill.
  • Maiwasan ang biglaang pagkasira.
  • Masiguradong malinis ang hangin sa loob ng bahay.
  • Mapahaba ang lifespan ng unit mo.

Paano Makatipid at Maiwasan ang Stress? Subukan ang Coolvid Annual Care Plan (CACP)!

Kung gusto mong maging hassle-free at worry-free ang aircon care mo, perfect ang Coolvid Annual Care Plan (CACP) para sa’yo. Bakit?

  • Scheduled Maintenance: Tatlong beses na cleaning kada taon para siguradong lagi kang komportable.
  • 20% Discount: Malaking tipid kapag nagbayad upfront for the entire year!
  • Priority Service: Hindi mo na kailangang maghintay nang matagal.
  • Stress-Free Experience: Kami na ang bahala sa lahat ng kailangan ng aircon mo!

Huwag mo nang hintaying lumala ang problema ng aircon mo. I-schedule na ang cleaning gamit ang Coolvid Annual Care Plan!