Marami sa atin, lalo na ngayong mainit ang panahon sa Pinas, ay hindi na halos kayang matulog nang walang aircon. Pero madalas din tanungin ng mga homeowners: “Safe ba na iwanang bukas ang aircon magdamag?”
Safe ba o delikado?
Generally, safe naman ang paggamit ng aircon overnight kung maayos ang kondisyon nito. Ibig sabihin, malinis ang filter, tama ang maintenance, at walang sira ang parts gaya ng capacitor, fan motor, o thermostat. Modern aircons are designed para kayanin ang long hours of use.
Pero may catch…
Kahit safe, may ilang cons na dapat mong isipin:
- Taas ng kuryente – Kung hindi inverter type, expect mo na mas malakas sa bill kapag gabi-gabi nakabukas.
- Wear and tear – Tuloy-tuloy na operation means mas mabilis mapagod ang motor at compressor kung walang regular check-up.
- Cooling efficiency – Kapag madumi ang filter, mahihirapan ang airflow at baka mag-leak o mag-ice build up pa.
Paano gawing safe at tipid?
Gumamit ng timer function – set mo na lang sa 4–6 hours para makatulog ka nang mahimbing, tapos kusa itong mamamatay.
Magpa-cleaning at preventive maintenance regularly para hindi bumigat ang trabaho ng aircon.
Kung kaya ng budget, mag-invest sa inverter type dahil mas energy-efficient siya for long use.
Bottomline
Yes, okay lang iwanang nakabukas ang aircon buong gabi — basta well-maintained at in good condition. Pero kung gusto mo ng tipid at iwas-sira, mas wise na gumamit ng timer at siguraduhin na laging malinis at nasa maayos na lagay ang unit.
Sa Coolvid, we always remind homeowners na prevention is better than repair. Kaya kung napapansin mong hirap na ang lamig ng aircon mo kahit lagi naka-ON, baka time na for a general cleaning or check-up.