PROBLEMA SA AIRCON NA NAGPAPATAY-SINDI? MGA COMMON CAUSES AT QUICK FIXES

Napapansin mo bang bigla na lang nag-o-on at off ang aircon mo?

Ang tawag dito ay short cycling, at hindi ito normal.

Bukod sa discomfort, maaaring magdulot ito ng mas mataas na electric bill at stress sa aircon unit mo. Huwag mag-alala! Alamin natin ang mga posibleng sanhi at ang tamang solusyon para maayos ito.

Ano ang Short Cycling?

Ang short cycling ay nangyayari kapag hindi natatapos ng aircon ang cooling cycle nito. Sa halip, bigla itong nag-o-off at on, na nagiging sanhi ng mas mabilis na wear and tear ng unit.

Mga Posibleng Dahilan ng Short Cycling

  1. Thermostat Issues
    Minsan, ang thermostat ang may problema. Kung mali ang pagka-calibrate nito o hindi tama ang placement, posibleng magbigay ito ng maling reading na nagiging sanhi ng short cycling.
  2. Low Refrigerant
    Kapag kulang ang refrigerant o may leak, hindi maabot ng aircon ang tamang temperature. Resulta? Paulit-ulit na pag-on at off.
  3. Dirty Air Filters
    Kung marumi ang filters, restricted ang airflow. Dahil dito, nag-o-overheat ang unit at kusa itong nag-o-off bilang safety measure.
  4. Oversized Aircon Unit
    Kung masyadong malaki ang unit para sa kwarto, mabilis nitong naaabot ang desired temperature, pero mabilis din itong mag-off. Hindi ito energy-efficient at hindi rin komportable.
  5. Electrical Issues
    Ang loose wiring o sirang relay ay maaari ding magdulot ng short cycling. Delikado ito kaya’t dapat ipa-check agad sa professional.

Mga Quick Fixes para sa Short Cycling

  1. I-check ang Thermostat
    Siguraduhing tama ang settings ng thermostat mo. Pwede rin itong ilipat sa lugar na hindi direktang naaabot ng sunlight o heat sources.
  2. Palitan o Linisin ang Filters
    Ugaliing linisin ang aircon filters kada buwan. Kung sobrang dumi na nito, palitan na ng bago.
  3. Ipa-inspect ang Refrigerant
    Kapag may hinala kang kulang ang refrigerant, huwag subukang ayusin mag-isa. Tawag agad sa certified technician para maiwasan ang mas malaking problema.
  4. Tamang Unit Sizing
    Siguraduhing angkop ang laki ng aircon sa kwarto mo. Konsultahin ang technician kung kailangan ng replacement o adjustment.
  5. Magpa-Professional Check-Up
    Kung hindi ka sigurado sa sanhi, magpa-inspect sa expert. Mas makakamura ka sa long-term kung maaagapan ang problema.
READ  KAILAN DAPAT MAGPA PULLDOWN CLEANING NG AIRCON?

Iwas Stress sa Maintenance! Subukan ang Coolvid Annual Care Plan

Ayaw mo bang maulit ang ganitong problema? Ang Coolvid Annual Care Plan (CACP) ang sagot mo!
✅ Scheduled cleaning every 4 months para laging malinis ang aircon mo.
✅ Priority service para sa mabilisang solusyon kahit peak season.
✅ Exclusive discounts at perks para sa maintenance at repairs.

Wag nang hintayin pang lumala ang problema sa aircon mo! Alagang Coolvid na ang kailangan mo. Message us now para mag-subscribe sa CACP at mag-enjoy ng stress-free aircon care!

Iwas hassle, iwas gastos. Alagaan ang aircon mo, alagaan ang comfort mo.
Alagang Coolvid—para sa malamig at preskong buhay!