Ramdam mo na ba ang init ng panahon? Tuluyan nang nagpaalam ang amihan, at opisyal nang idineklara ng PAGASA ang simula ng tag-init!
Pero huwag mag-alala, may mga paraan para mapanatili ang cool at comfortable na pakiramdam sa gitna ng matinding init.
1. Uminom ng Maraming Tubig
Isa sa pinakamadaling paraan para maiwasan ang heatstroke ay ang pag-inom ng sapat na tubig. Iwasan ang sugary drinks at alcohol dahil mas nakakapag-dehydrate ang mga ito.
2. Magsuot ng Preskong Damit
Pumili ng light-colored, loose-fitting na damit para mas maging komportable. Mas mainam ang cotton fabric dahil mas breathable ito.
3. Iwasan ang Matinding Init
Kung hindi naman kinakailangan, iwasan ang paglabas ng bahay mula 10 AM hanggang 4 PM — kung kailan pinakamalakas ang sikat ng araw.
4. Mag-apply ng Sunscreen
Protektahan ang iyong balat gamit ang sunscreen na may mataas na SPF. Mag-reapply tuwing dalawang oras, lalo na kung nagpapawis o naliligo sa tubig.
5. Gamitin ang Aircon nang Wasto
Isa sa pinaka-epektibong paraan para manatiling cool ay ang paggamit ng aircon. Siguraduhing regular ang maintenance ng unit para maiwasan ang biglaang sira at mas mataas na konsumo sa kuryente.
Kung gusto mong siguraduhing laging nasa maayos na kondisyon ang aircon mo, subukan ang Coolvid Annual Care Plan (CACP).
May kasama itong regular na cleaning at check-up para laging efficient ang aircon mo, plus malaking matitipid sa long-term maintenance.
At kung kailangan mo ng bagong aircon, nag-aalok din kami ng mga brand-new units na swak sa budget mo!
Stay cool and comfortable this summer!
Para sa detalye ng aming Coolvid Annual Care Plan o kung gusto mong bumili ng bagong aircon unit, bisitahin lang ang aming facebook page.










