Panahon na naman ng ulan, at hindi lang mga bubong at bintana ang dapat bantayan—pati na rin ang aircon mo, lalo na kung nasa ground level o outdoor unit ay nakalagay sa mababang pwesto.
Oo, posibleng bahain ang aircon at kapag nangyari ‘yan, malaking abala at gastos ang katapat.
- 1. Bakit delikado ang baha sa aircon?
- 2. Paano mo malalaman kung at risk ang aircon mo?
- 3. Anong puwedeng gawin para makaiwas?
- 4. Need Help?
1. Bakit delikado ang baha sa aircon?
Kapag nababad sa tubig ang unit (lalo na ang outdoor unit ng split type or window type sa mababang bintana), ito ang pwedeng mangyari:
– Short circuit o sira sa wiring
– Kalawang sa internal parts
– Damage sa compressor at PCB board
– Maputikan o mapasukan ng debris ang fan at motor
Ibig sabihin, kahit natuyo na ang baha, hindi na guaranteed na okay pa ang takbo ng unit mo.
2. Paano mo malalaman kung at risk ang aircon mo?
- Kapag nasa baba ang unit (near floor level or sidewalk)
- Malapit sa bahaing area o madalas tumaas ang tubig ulan
- Walang drainage o slope para lumabas agad ang tubig sa paligid
- Walang bubong o takip ang outdoor unit
3. Anong puwedeng gawin para makaiwas?
I-angat ang outdoor unit
Gumamit ng elevated aircon stand para safe kahit umabot ng ilang pulgada ang baha. Kahit DIY block or customized steel stand ay okay basta stable.
I-cover ang unit kapag may bagyo
May nabibiling aircon rain cover o kahit trapal na waterproof na puwedeng pang-cover ng outdoor unit. Tandaan lang na tanggalin ito bago gamitin ang aircon.
Linisin agad after mabasa
Kung nabasa man ng ulan o baha, ipacheck agad sa technician. Huwag na huwag i-switch on hangga’t hindi pa na-iinspect.
Regular maintenance
Mas okay kung updated sa cleaning at check-up ang aircon mo lalo na bago magtag-ulan. Para kung may signs ng kalawang or loose seal, maagapan agad.
4. Need Help?
Kung unsure ka kung ligtas ang pwesto ng aircon mo ngayong tag-ulan, pa-inspect na agad.
Coolvid Aircondition and Refrigeration Parts Trading offers site check-ups, repairs, elevation solutions, at cleaning services — para sure kang handa ang unit mo kahit bumaha pa.










