Sa Pilipinas, sanay na tayo sa panahon na umuulan ng malakas ngayon, tapos tirik ang araw kinabukasan. Pero tanong: ready ba ang aircon mo sa ganitong biglaang switch ng klima?
‘Di lang katawan mo ang nabibigla — pati aircon mo, apektado!
Anong Epekto ng Paiba-ibang Panahon sa Aircon?
- Biglaang Moisture Build-Up
Kapag humid ang hangin (lalo na sa tag-ulan), mabilis mag-moist ang loob ng unit. Delikado ‘to kung hindi malinis ang drainage o filter. - Stress sa System
Panay on-off sa mainit at malamig na araw = mas pagod ang compressor. Kung may tagas or dumi sa loob, mas lalong bumababa ang performance. - Possible Short Circuit or Corrosion
Lalo na kung exposed ang outdoor unit sa ulan — pwedeng pasukin ng tubig ang board o wire connectors.
Tips Para Masabing “Ready na ang Aircon Ko!”
Regular na General Cleaning
Bago pa magpalit ng season, siguraduhing nalinis nang maayos ang unit. Recommended: every 3–4 months.
Check Outdoor Unit
May cover ba ito? Nasa tamang lugar ba o laging nababasa? Importante na may protection pero hindi barado ang airflow.
Tanggalin ang Kalat sa Paligid ng Unit
Baka may dahon, plastic, o alikabok sa outdoor area. Nakakaapekto ‘yan sa circulation at pwedeng pamugaran ng insekto.
Inspect Wiring at Remote
Madalas, hindi gumagana ang aircon kasi may problem sa power line o sira na ang remote — hindi dahil ubos ang freon!
Final Reminder
Ang aircon ay hindi lang pang-tag-init. Importante rin ito lalo na sa tag-ulan para sa humidity control at comfort. Pero para gumana nang maayos, kailangan ng proper care — lalo na sa panahon na hindi natin alam kung uulan ba o iinit.
‘Wag hintayin masira bago kumilos.
Pa-inspect, pa-clean, at pa-checkup na habang maaga! kung kailangan mo andito ang Coolvid pabook na !










