ULAN NGAYON, INIT BUKAS: HANDA BA ANG AIRCON MO SA GANITONG PANAHON ?

Sa Pilipinas, normal na yung “pa-weather-weather lang” — isang araw uulan, tapos kinabukasan ang init na parang summer ulit. Pero alam mo ba? Ang ganitong pabago-bagong panahon ay may epekto sa performance at lifespan ng aircon mo.

So, anong dapat gawin para mapanatiling maayos ang unit mo kahit inconsistent ang klima?

1. Regular Check ng Power Source

Kapag biglang umulan at bumalik ang araw, madalas may kasamang fluctuations sa kuryente. I-check kung okay pa ang saksakan, circuit breaker, at kung may voltage protector ka.

Pro Tip: Mag-invest sa voltage regulator or surge protector para iwas sira sa board ng aircon.

2. Check Mo ang Drainage at Tubes

Sa panahon ng tag-ulan, prone sa barado ang drainpipe ng aircon. Pag di nakalabas ang tubig, puwedeng mag-leak sa loob ng bahay. Sa tag-init naman, grabe ang moisture kaya mas mabilis mapuno ang catch basin.

Dapat sure ka na clear ang drainage bago at pagkatapos gamitin.

3. Ipa-Clean Regularly, Lalo na sa Transition ng Season

Pag tag-ulan, mas humid ang hangin. Pag tag-init, mas dusty ang paligid. Resulta? Baradong filter, dumi sa fins, at kulang sa airflow.

Ideal ang cleaning bawat 3–4 buwan, lalo na kapag biglang nagbago ang klima.

4. Check for Pests Inside or Near the Unit

Kapag umuulan, ang mga insekto gaya ng langgam, ipis, at daga ay naghahanap ng mainit at tuyong lugar — at minsan, ang aircon mo ang target nila!

READ  ANO ANG CONDENSER COIL SA AIRCON AT BAKIT ITO MAHALAGA ?

Bantayan ang paligid ng aircon — linisin ang outdoor unit at seal ang wiring entry points.

5. Outdoor Unit Must Be Protected

Kapag ang outdoor unit mo ay nasa bubong o open space, siguraduhing may shed, canopy, or cover ito. Hindi dapat direktang binabasa ng ulan o iniinitan buong araw.

Pero tandaan: Bawal takpan totally ang outdoor unit habang naka-on — dapat may hangin pa rin na dumadaloy!

Final Reminder

Ang pabago-bagong panahon ay hindi lang challenge sa katawan mo, kundi pati na rin sa appliances mo. ‘Wag balewalain ang early signs ng problema — pag may weird na tunog, amoy, o mahina ang lamig, ipa-check agad tawag or message lang sa Coolvid Aircondition & Refrigeration Parts .

Mas mura ang maintenance kesa repair! 😎