Sobrang init, tapos pag-on mo ng aircon — wala! Ayaw gumana yung unit sa loob pero naririnig mong umaandar ang compressor sa labas. Nakakainis, ‘di ba?
Pero don’t panic! Baka hindi agad sira ang buong unit mo. May ilang posibleng dahilan kung bakit ganito ang nangyayari.
1. Nasira ang Remote o Control Board
Baka hindi sira ang mismong aircon — baka remote lang o control panel ang may issue. Kung split type, may mga model na kahit umaandar ang outdoor unit (compressor), hindi nag-on ang indoor kung:
Low batt ang remote
Na-shock ang board during brownout
Sira na ang PCB (Printed Circuit Board)
2. May Problema sa Communication Wire
Ang indoor at outdoor unit ng split-type aircon ay konektado sa pamamagitan ng communication wire. Kung loose, putol, o grounded ito:
Hindi makipag-“usap” ang indoor unit sa outdoor
Outdoor lang ang umaandar, kaya walang bugang lamig sa loob
3. Overheat o Auto-Protect Mode
Some aircon models have auto shut-off features kapag:
Overheat ang system
May na-detect na leak o bara sa drainage
Na-sense na may abnormal voltage
Sa ganitong cases, aandar lang ang compressor sandali pero hihinto ang indoor para hindi masira ang system.
4. May Error Code Pero Hindi Lumalabas
Minsan may internal error pero hindi lumalabas sa display panel. Nangyayari ito kapag:
Hindi properly na-reset
Biglang na-brownout tapos bumalik agad ang kuryente
May sira na sa sensors
Ano ang Dapat Gawin?
I-check muna ang remote at battery
I-reset ang aircon (unplug 3-5 mins, then plug again)
Observe kung may blinking lights or weird behavior
awagin ang certified technician para ma-check kung wiring, PCB, o sensor issue ba talaga
Reminder:
Ang compressor na umaandar pero walang response ang indoor unit ay early sign ng system issue. Huwag nang hintayin na mas lumala. Mas mura pa ipa-check agad kaysa palit buong board o fan motor!










