Alam mo bang ang ref mo ang pinaka hardworking na appliance sa bahay? 24/7 siyang nakabukas—taga-bantay ng ulam, tubig, ice cream, gulay, prutas, at kung anu-ano pa. Kaya kung biglang masira ‘yan, good luck na lang sa panis na pagkain at sakit sa ulo.
Buti na lang, madali lang alagaan ang refrigerator. With just a little effort, mapapahaba mo ang lifespan niya at makakatipid ka pa sa kuryente. Kung gusto mong iwas-sira at iwas-gastos, check out these 10 tips na swak sa daily routine ng mga Pinoy!
Close the door agad-agad!
Yes, alam naming obvious to, pero madalas pa rin nakakalimutan ng marami. Tuwing bubuksan mo ang ref, planuhin mo na agad ang kukunin mo para hindi tumagal ang pagbukas.
Kapag masyadong matagal nakabukas ang pinto, napipilitan ang compressor magtrabaho nang husto para ibalik ang lamig—resulta? Mas mataas na konsumo sa kuryente. Sayang din ‘yun, ‘di ba?
I-check ang door gasket o goma ng pinto
Kapag worn-out na ang gasket (yung rubber sa gilid ng pinto), pwede nang lumabas ang lamig kahit sarado ang pinto. Resulta? Mas effort ulit sa compressor at dagdag gastos sa kuryente.
Quick hack: Lagay ka ng coin sa pagitan ng door at body ng ref. Kung madali siyang mahugot, hindi na seal ng maayos ang pinto mo. Time to have it checked!
Sakto lang dapat ang temperature setting
Sa Pilipinas, recommended ang 4°C sa fridge at -18°C sa freezer. Kung dial-type lang ang settings mo (Low–Med–High), safe ka na sa medium setting. Don’t forget to read the manual, baka may specific recommendation pa.
Ayusin ang laman ng ref—huwag bara-bara!
Cover your leftovers, ilagay sa tamang container, at huwag siksikan. Pag overcrowded ang ref, nahihirapan ang lamig na gumalaw. Mas okay kung may clear containers ka para madali mo rin makita ang hinahanap mo. Less time open, less effort for your ref.
Don’t block the vents
‘Yung mga butas sa loob ng ref? Para sa airflow ‘yan. Wag takpan ng malalaking containers kasi ‘yan ang nagdi-distribute ng lamig sa buong ref. Kapag na-block, uneven ang lamig—may parts na sobrang lamig, may parts na parang walang ref.
Defrost kung kailangan
Lalo na kung single-door type ang ref mo, minsan sobrang ice build-up sa freezer. Kung hindi mo ide-defrost, mas lalo lang lalakas sa kuryente. Gawin ito regularly, kahit once a month—weekend mo na lang gawin para chill lang.
May gap dapat sa wall
Huwag dikitin ang likod ng ref sa pader. Kailangan ng at least 1 inch na space para maka-circulate ang init at hindi mag-overheat ang motor. ‘Pag walang space, mas mabilis uminit ang motor = mas madaling masira.
Linisin regularly (inside & out)
Hindi lang dahil sa aesthetics—importanteng malinis ang loob ng ref para hindi magka-bacteria at mabaho. Gamit lang ng basang tela at mild soap (or suka), wipe mo ang shelves, walls, at syempre ang gasket. Bonus tip: Lagay ng baking soda para iwas amoy!
Make sure pantay ang pagkakatayo
Yes, dapat level ang pagkakatayo ng refrigerator. ‘Pag hindi, baka mag-leak ang laman ng open containers sa loob or hindi magsara ng maayos ang pinto. Pwedeng gumamit ng leveler or pantayan gamit ang cardboard sa ilalim.
Linisin ang condenser coils
Ito na siguro ang pinaka-hassle pero super important. ‘Yung coils sa likod o ilalim ng ref ay dapat laging malinis. Kapag napuno ‘yan ng alikabok at buhok, hindi na makaka-release ng init—meaning mas hirap ang ref magpalamig.
Linisin at least every 3–6 months gamit ang vacuum or coil brush. Unplug muna bago maglinis, syempre!
Final Reminder: Hindi mo kailangan maging expert para mapangalagaan ang ref mo. Konting diskarte, regular na linis, at tamang paggamit—yan lang ang kailangan para mas humaba ang buhay ng refrigerator mo.
Need help with cleaning or repair? Contact COOLVID—dalubhasa kami sa refrigeration care para sa bawat tahanan sa Pinas!










