Nagpatawag ka ng technician, pinalinisan mo ang aircon mo, okay naman sa una… tapos after isang buwan, bigla na lang tumutulo ulit. Normal lang ba ‘to o dapat na bang ireklamo bilang backjob?
1. One Month After Cleaning — Backjob Ba Kaagad?
Hindi automatic. Maraming pwedeng dahilan kung bakit tumutulo ang aircon kahit bagong linis:
– Nausog ang drain hose dahil sa paggalaw o adjustment ng unit
– Napuno ulit ng moisture o alikabok lalo na kung humid at madalas gamitin
– External factors gaya ng barado sa labas ng drainage o pumasok na insekto
– Improper usage tulad ng sobrang baba ng thermostat na nagmo-moist ang unit
Kung ganito ang sitwasyon, hindi siya agad considered na backjob. Kadalasan, out of control na ito ng technician.
2. Kailan siya considered na backjob?
- Tumulo within the warranty period (usually 7–14 days)
- Same issue sa previous linis at walang additional usage damage
- Confirmed poor workmanship — tulad ng hindi maayos na balik ng cover, drain line, o kulang sa cleaning
Kapag may ganyang indicators, may right ka mag-request ng recheck or return visit.
3. Paano mo malalaman kung covered ka?
- Check service warranty ng cleaning service provider
- Tingnan kung may job order slip or report — may notes ba kung may unusual findings?
- Makipag-ugnayan agad sa technician kapag may unusual na sintomas
4. Tips para iwas tulo ulit
✅ Siguraduhin na may proper slope ang drain hose
✅ Huwag barahan ang airflow ng unit
✅ Linisin ang paligid ng outdoor drainage
✅ Magpa-schedule ng routine check-up lalo na kung araw-araw gamit
5. Need Help?
Kung tumutulo pa rin kahit nasunod mo na ang basics, ipacheck na ulit.
At kung gusto mong makasiguro na hindi ka mapapabayaan after service, tumawag sa Coolvid Aircondition and Refrigeration Parts Trading.
Reliable sila, may clear service process, at may proper follow-up kung may problema.